friend 1: sinumpa yata tayong lahat.
paci: bakit naman?
friend 2: kasi single tayong lahat.
paci: oh...
friend 1: ikaw paci, matagal ka ng single. tumagal tagal pa ng konti magiging old maid ka na.
paci: twenty-seven pa lang naman ako this year. di pa ako nawawala sa kalendaryo.
friend 2: sabagay may ka-date ka kanina. sino naman yun? si atenista?
paci: wala na si atenista. friend ko yung kasama ko kanina.
friend 1: what kind of friend? kissing friend?
paci: sabi niya friends kami. edi friends. very wholesome di ba.
friend 2: partner material?
paci: malayo eh. fixated sa ex niya. kaya ayun, friends kami...
friend 1: malabo yan.
friend 2: single ladies pala drama natin ngayon.
paci: feeling ko magkakaroon na ako ng partner next month.
friend 1: paano mo nasabi?
paci: wala lang. basta...
friend 2: premonition?
paci: parang ganun na nga.
friend 1: kaya siguro nagbreak ang mga may jowa sa atin dahil magkakajowa ka.
paci: ganun ba yun?
friend 2: baka eto na ang sumpa.
paci: wow may sumpa na naman pala tayo.
all: omg.
0 comments:
Post a Comment