miss ko na mga halakhak mo.
eto na kami ng mga kapatid ko sa harap ng pintuang may numerong 527 sa itaas. bilang nangunguna sa pangkat, kumatok ako ng tatlong beses at dahan-dahang binuksan ang pintuan ng kuwarto. bumungad sa amin ang isang babaeng nakahiga sa kama. animnapu at limang taong gulang na siya. lumingon siya sa aming direksyon at nagpumilit na ngumiti tanda ng pagbati sa aming pagdating. isa-isa kaming lumapit sa kanya. nauna ang aking kuya at ang kanyang girlfriend, sumunod ang bunso kong kapatid at nahuli ako.
pupungas-pungas pa ako noong linggo ng umaga nang kapain ko ang aking cellphone sa ilalim ng aking unan para magbasa ng mga mensahe. sa screen ng aking lumang k750i - isa lamang na mensahe mula sa aking pinsan. sa pagbukas ng mensahe nawala ang antok ko. parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
papunta kami ng hospital. na-stroke yata si auntie. pakisabi sa kanila.
napakabigat ng loob kong lumapit sa kanya. hindi ko man magawang tumingin sa kanyang mukha. napakahirap pigilan ng mga luha na kanina ko pa pinipilit ikubli sa kanya at sa aking mga kasama. ako man ang pinakamahina ang loob sa aming magkakapatid, ako man ang may pinakamababaw ang luha, ayaw kong umiyak. ayaw kong lumuha sa harapan niya. nais kong ipakita at patunayan na matatag ako dahil at para sa kanya.
tatlong linggo na rin ang nakalipas noong huli akong nagpunta sa kanila sa cainta. ako lang sa aming magkakapatid at ibang magpipinsan ang sinisipag bumisita at matulog ng ilang araw sa kanilang bahay. sa bawat punta ko, lagi niyang itinatanong kung hanggang kailan ako sa kanila at kung kailan ako babalik. hindi siya nauubusan ng kuwento sa mga nangyayari sa mga pinsan ko at sa iba nilang kapamilyang nasa abroad. bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan simula sa pagkakita niya sa aking pagkatok sa gate hanggang sa aking pag-alis.
nakakapit ako sa kanyang kaliwang kamay habang hinahaplos ang kanyang noo. hindi ko magawang magsalita. naramdaman ko na lamang na yumakap sa akin ang isa kong pinsan na kanyang inalagaan simula ng sanggol pa ito. mahigit dalwampu at anim na taong pinagsilbihan ni ninang ang pamilya ng aking pinsan. inalagaan niya silang lahat. siya ang saksi sa masalimuot na relasyon ng aking tito at tita. siya ang tumayong ikalawang magulang ng aking mga pinsan kahit may mga pagkakataong hindi man nila siya bigyan ng respeto.
buti naman dumating kayo. alam ko hahanapin ka niya kahit di siya nakapagsasalita.
paralisado ang kanang bahagi ng katawan ni ninang. sa loob ng ilang araw ay malalaman kung gaano katindi ang pinsala ng stroke sa kanya. malaki pa rin ang aking pasalamat at hindi pumutok ang apektadong ugat sa kanyang ulo. hindi man siya nakakapgsalita, hindi man niya maintindihan ang lahat ng aming sasabihin, ang mahalaga hindi pa siya nawala sa amin.
minsan naitanong ko sa kanya kung bakit hindi siya nag-asawa at kung ano ang gagawin niya kapag matanda na siya. ang sagot niya ay tama na raw na naalagaan niya kaming magpipinsan at sa kanyang pagtanda, kung wala man mag-alaga sa kanya ay pupunta na lamang siya sa home for the aged.
sinagot ko siya noon na imposibleng walang mag-aalaga sa kanya dahil andito kami.
magpagaling ka lang. madami kaming mag-aalaga sa iyo. aalagaan ka namin hanggang sa marinig naming muli ang iyong halakhak.

2 comments:
take care of your ninang ha,she'll get better in time, alaga lang!
Sometimes people sacrifice for the betterment of the family, of the clan.
Your ninang is in good hands. She is.
Post a Comment