kanina ka pa ba dito? hi, i'm paul. nakangiting sabi ng lalaking tumabi sa akin habang nakasandal ako sa pader.
nasa cubao kami ni best friend kagabi. matagal na rin kaming hindi nagkita. nagpakalayu-layo kasi siya noong mga nakaraang buwan. nagkaroon siya ng partner kaya nawala sa mundo. masaya kaming nagkukuwentuhan habang kumakain sa isang fast food nang may natanggap akong mensahe.
nasaan ka paci?
text message ni chris.
sino yan? boylet mo? tanong ni bes.
si chris ay isang estudyanteng kumukuha ng business administration sa pamantasang aking pinanggalingan. maputi, singkit ang mga mata, cute at mas cute kung ngumiti, at kasingtangkad ko. nagkakilala kami sa isang website na hindi ko na babanggitin kung ano. nagsex kami sa una naming pagkikita. pagkatapos nun ay masipag na niya akong tinetext. ang sabi niya gusto daw niya ako. ako o ang aking alaga at performance sa kama, hindi ako sigurado.
cubao. ang reply ko.
kaninang umaga niyaya ko si chris na makipagkita sa akin. gusto ko rin naman siyang makilala pa ng mabuti. hindi na ako tulad ng dati na kung sa one night stand tayo nagkakilala ay hanggang doon na lang tayo. marahil dala na rin ito ng pagtanda. nalungkot ako dahil tinatamad daw siyang lumabas ng bahay kaya sa ibang araw na lang daw kami magkita.
nakita kita. sino yang kasama mo? akala ko ba single ka? enjoy na lang. reply niya.
sabi nga nila, mapusok ang mga bata. iba talaga sila mag-isip. ang bilis humantong sa konklusyon. minsan nga kahit mas matanda pa sa iyo parang bata kung mag-isip.
best friend ko ang kasama ko. huwag ka namang mag-isip ng ganyan. at hindi naman kita babawalang makipagdate sa iba. single ka di ba.
parehas kaming single. walang napagusapang bawal lumabas o makipagkita sa iba. siguro nagseselos siya. aminado akong guwapo si bes. nagmumukha akong basahan pag magkasama kami.
okay. punta ako ng trinoma. may pinapadate sa akin yung friend ko. good night.
nagkaroon na ako dati ng partner na mas bata sa akin. madalas masakit ang ulo ko sa kakaproblema sa aming relasyon. mahirap pero tumagal din kami ng isa at kalahating taon. ayaw ko nang maulit yun. mukha na nga akong matanda sa edad ko mas tatanda pa ako sa kunsumisyon.
sige. enjoy at ingat ka. sana diniretso mo na ako na may iba kang date kaya hindi ka makikipagkita sa akin. hindi yung magdadahilan kang tinatamad lumabas ng bahay. ayun lang.
napangiti na lang si bes. bata ang kanyang partner. lagi ring sumasakit ang ulo niya. naawa nga ako nung sinabi niyang nakikipagthreesome sila dahil iyon ang gusto ng kanyang partner. kilala ko si bes. ginagawa niya lang yun dahil mahal niya yung tao. alam kong nasasaktan siya sa sitwasyon nila. bilang best friend ay sinuportahan ko na lang siya.
bes huwag muna tayong umuwi. alam kong namiss din ni bes ang lumabas kasama ako.
binuklat ko muna ang aking pitaka at tiningnan kung sapat pa ang dala kong budget. okay pa naman. di kami uuwing naglalakad. napansin ko ang isang nakasilid na card sa aking wallet. inilabas ko ito at ipinakita kay bes.
naaalala mo pa ba ito? di ba ikaw ang unang nagsama sa akin doon? patawa kong sabi.
akala ko'y babatukan ako ni bes pero kumindat pa ito at ngumiti. alam ko na ang ibig sabihin nun.
pagkatapos naming kumain ay natungo kami sa convenience store. candy. maliit na sabon. mouthwash. nang itinuro ni bes ang condom ay tumanggi ako. hindi ko kailangan yun dahil hindi ko gagawin ang kanyang iniisip. habang nakapila sa pagbayad napatingin ako sa salamin. may pimple ako sa noo. sobrang payat ko ngayon salamat sa oatmeal na kinakain ko tuwing lunch. mukha akong kawawa.
habang nasa jeep naisip kong wala akong mapapala sa aking pagpunta sa lugar na iyon. aatras na sana ako pero huli na dahil pagkatapos ng ilang minuto ay narating na namin ang aming destinasyon.

0 comments:
Post a Comment