mahihintay mo ba ako?
nakakaasar. hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang isasagot sa tanong niya. walang "block" option ang phone ko kaya natatanggap ko pa rin mga text niya. kahit sinabihan ko na siyang huwag munang magtext o tumawag, may pagkapasaway pa rin talaga siya. nakakaasar.
tanga na kung tanga. gusto ko siya. at malaking bahagi ng katauhan ko ang sumisigaw na hintayin mo siya! wala ng pride pride! tatanda ka na naman magpapakaarte ka pa diyan! ang tagal mo na ngang single! makukuntento ka na lang ba sa one night stand? bobo ka kung ganun!
bakit kasi ganun ang tanong niya?
ano pa ba ang kailangan niyang gawin? may aayusin ba siya? tatapusin? ayaw kong sagutin ang tanong niya ng mas madami pang katanungan.
okay na sana. pagkatapos ko siyang iniwan sa coffee shop nung gabing iyon. okay na sana kung di na siya nagtext. nakakaasar talaga siya. ilang milyong beses ko mang patugtugin ang waiting in vain ni annie lennox wala pa ring epekto. mas nakakaasar ang sarili ko. magrereply na ako.
take your time. -paci
2 comments:
If it's any consolation, you're still in a better place. At least tinanong ka if you're willing to wait for him.
Ung ibang tao, just wait and wait and wait. The person they are waiting for does not even know na naghihintay sila.
ang cute hahaha!!!di ka din nakatiis...
hayaan mo na,give him the benefit of the doubt...malay mo talagang may importante lang inaayos para mas maging ok ang lahat sa inyo...
take a chance...
Post a Comment