Saturday, July 2, 2011

capital F part 3

ang sarap mo. sana maulit ito.

pareho kaming pagod ni josh na nagpahinga sa maliit na higaan. hindi ko inaasahan ang nangyari. akalay ko'y wala akong mapapala noong gabing iyon. humiga siya sa aking dibdib. nang tumingin siya sa akin, nabasa ko sa kanyang mga mata ang kalungkutan. nabubuo sa aking isipan ang mga susunod niyang sasabihin.

hindi ko maipaliwanag kung bakit nangyayari sa akin ang ganito. pagkatapos ng pagtatalik, ibang katauhan na ang aking katabi. hindi na ito si josh na matindi sa halikan, na masarap kung dumila at sumubo, na pinagpiyestahan ang aking katawan kanina, na nilulon ang aking katas. isa na siyang munting paslit na napakahina at walang kalaban-laban. isa siyang kaluluwa na naghahanap at nagnanais ng kasama sa buhay. siguro pagkatapos mailabas ang libog, bumabalik ang katotohanang mag-isa lamang siya sa mundo. malungkot.

iba ang simpatiya sa pag-ibig. maibibigay ko man ang nauna, hindi ko alam kung maibibigay ko ang ikalawa. alam kong may mga iilan na napagkakamalang ikalawa ang una. sa tingin ko'y ganun din ang awa. wala naman sa akin kung may pagka-drama queen si josh. sanay na ako sa mga drama ng buhay.

nagkausap pa kami ni josh pagkatapos kong maligo. tumabi siya sa akin sa may locker area. niyaya niya akong lumabas para magkakilala pa kami ng mabuti. kusa niyang ibinigay ang kanyang mobile number sa akin. hinalikan niya ako sa noo bago siya tuluyang nagbihis at umalis. napatingin ako ng matagal sa salamin. iniisip ko ang mga katulad ni josh. mga katulad namin ni josh. hindi niya lang nahalata sa akin kanina dahil nakinig lamang ako sa mga kuwento niya.

sa bandang kaliwa napansin kong may nakatingin sa akin. nagpasya akong tumayo upang hanapin si bes at sa pagdaan ko sa harapan niya, ngumiti siya. tumango ako at ngumiti rin. hindi naman siya sumunod sa aking pagakyat sa second floor kaya naglibot muna ako. pihikan si bes kaya naisip kong nakatambay lang ito sa isang sulok. hind ko pinapansin ang mga tingin at mga ngiti. oo mayabang na ako ngayon dahil nakaiskor na ako. mabilis kong naikot ang second floor. wala naman si bes.

inakyat ko ang third floor at doon naman naghanap. wala rin doon si bes.

umupo muna ako sa isang sulok kung saan damang-dama ang lamig ng aircon at electric fan. napasandal ako at napapikit. hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaidlip. pagmulat ng aking mga mata may dalawa na akong katabi. hindi naman sila gumagawa ng kung ano. nakaupo rin lang sila, nagpapahinga. narinig kong nagsabi ang isa na nakakapagod palang maglibot sa lugar na iyon. naalala ko si bes kaya tumayo na ako at bumaba sa second floor.

sa aking pagbaba naisip kong sana andun si bes sa harap ng malaking salamin. doon kasi siya laging nakatambay nung unang punta namin. hindi si bes ang aking nakita kundi tatlong katawang batak sa pagbubuhat. sa totoo lang hindi ko tipo ang mga maskulado. ayaw ko sa mga bato-batong kalamnan. mas tipo ko ang katawang tama lang na pangromansa.

sa tatlong maskulado, nakaagaw ng aking pansin ang isa. mukhang bata at cute ngumiti. puwede na sana yung isa kahit bato-bato, madadaan naman sa ngiti pero alam kong karamihan ng ganun ang katawan, maskulado rin ang hanap.  tama na ang isang segundong pagtingin kaya tumungo ako sa kanang bahagi ng second floor upang hanapin si bes. hindi pa man ako nakakalayo ay may kamay na pumatong sa aking balikat.

hey, wait. i'm carl. i'm carl. you are?

hindi muna ako tumingin upang makita kung sino siya. hinawakan niya ako sa kamay habang inuulit ang kanyang pagpapakilala. hinintay kong marating namin ang sulok para hindi kami makakaharang sa daraanan. sabi ko sa sarili ko na kung si cute yun, kakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. baka pagod pa si junior ko kahit alam kong hindi pa ako ipinahiya nito sa kahit ano pang laban. kung hindi si cute, madali lang magdahilan. sasabihin kong may hinahanap lang ako at paalis na rin. sana si cute. sana hindi si cute. bahala na. haharapin ko na siya.

i'm paci. ang aking sagot.

mapapalaban na naman yata ako.

2 comments:

dabo said...

Keep it up hehee..

paci said...

parang double meaning. hehehe!