next time na ang capital F part 4.
naghihintay ako ng jeepney kaninang umaga. dahil isa akong mabuting empleyado, maaga akong umaalis ng bahay para hindi ako mahuli. madami kasi sa atin ang malayo na nga ang tinutuluyan nila sa trabaho, hindi pa maagang umaalis kaya nagmamadali at minsan nababad trip pa kung mabagal ang usad ng mga sasakyan o kaya naman ay pila sa mrt o lrt. umaga pa lang stressed ka na. hindi ka lang papangit, kaagad ka pang tatanda. nakakamatay talaga ang stress. ayaw kong mastress kaya maaga akong nagbibiyahe. nitong mga nakaraang linggo nilalakad ko lang mula sa amin papuntang lrt station. para tipid daw kunyari.
tinamad lang ako kanina kaya nagdesisyon akong magjeep.
anyway naghihintay na nga ako kanina ng jeepney at dahil nga maaga ako, magagawa ko pang mamili ng aking sasakyan. siyempre kung di pa rush hour, ayaw ko sa jeepney na puno at masikip. yung tipong one-fourth na lang ng puwit mo ang nakaupo. no way high way. ayaw ko rin sa jeepney na mabilis magpatakbo ang driver. yung naiiwan ang kaluluwa mo sa sobrang bilis. asar na asar ako sa mga driver na wala sa kanilang bokabularyo ang salitang "preno".
ilang jeepney na rin ang aking pinalampas. maarte kasi ako.
pagkaraan ng dalawampung segundo, may isang jeepney na huminto sa aking harapan. wala akong balak sumakay pero nagbago ang isip ko nang makita ko si kuya drayber.
dito ka na sa harap umupo, paanyaya niya.
isa siguro siya sa pinakaguwapong jeepney drayber na nakita ko. sa totoo lang, hindi siya mukhang jeepney drayber. maayos ang pagkakulay ng kanyang buhok. malakas ang dating. may dimples pa. sa tingin ko magkasing-edad lang kami.
hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. sumakay na ako sa jeepney ni kuyang drayber.
halatang miyembro ng berdugo si kuyang drayber. puno ng stuffed toys ang kanyang jeepney. pati seven dwarfs meron siya. naglalambitin silang lahat. ang kukyut. tsek. ang kanyang cellphone ay kulay pink. swak sa banga. at ang music niya, MARIAH CAREY. pak na pak.
natouch ako nang hindi na nagpasakay sa harap si kuya drayber. bale kami lang ang magkatabi. paboritong mariah song pa ang tumutugtog - breakdown.
sayang at hindi matagal ang aking biyahe. sampung minuto lang. hindi tuloy kami nakapagbonding ni kuya drayber. nakapaglandian nakapagkuwentuhan pa sana kami. pero masaya na rin ako. maganda ang aking umaga kaya siguradong maganda ang araw ko.
kung nasaan ka man kuya drayber, ingat sa pagmamaneho.
5 comments:
ang cute ng inyong 10 minute love story :)
serendipity! lol.
cute na taxi driver meron na akong nakita pero jeepney driver, wala pa. sana it will be soon. lols
hehehe! kaya gulat talaga ako.
bihira na akong sumakay ng jeepney kaya natuwa talaga ako.
haha it's a fetish, these types of men. pero parang exceptional siya because of the quirky toys.
hahabaan ko sana reply ko kaso nadistract ako sa profile pic. is that..? naughty naughty.. ;p
Post a Comment