ANAAAAAAAAAAAAAK!!!
tinatawag na naman ako ni mama. apat kaming magkakapatid pero alam naming lahat na ako ang tinatawag niya. sigurado akong may ipawawalis o ipapupunas o ipahuhugas o ipahahanap o ipababasa o kung an-ano pa sa akin. sanay na rin naman ako. simple lang ang dahilan - hindi talaga masipag sa bahay ang mga kapatid ko.
lahat naman kami tinuruang tumulong sa bahay. bago pa man kami humantong sa paaralan kung saan may good manners and right conduct at christian formation, sinasanay na kami ng aming mga magulang dahil wala kaming katulong o yaya nung lumalaki kami.
noong umpisa, isa-isa kaming tinatawag ni mama upang tulungan siya sa mga gawain. unang tatawagin ang dawala naming kuya dahil mas matanda sila, tapos ako, tapos ang bunso. hindi ko naman napapansin noon na ako lang pala ang lumalapit at tumutulong kay mama.
nang lumaon ay ako na lang ang tinatawag ni mama. ang dahilan niya, ako lang naman ang maaasahan niya. ayos lang sa akin. kapag napapagod na ako, ako na lang ang nakikiusap sa mga kapatid ko na tumutulong din naman dahil sa awa.
napapangiti na lang ang mga kapatid ko sa tuwing babanggitin ni mama ang salitang anak.
anak = paci,
ganun kasimple. minsan nga kahit hindi ako ang gusto niyang tawagin, ako at ako pa rin ang lumalapit dahil nasanay na ako. ang salitang anak ay walang iba kundi ako.
ano po iyon? tanong ko.
september na. anong plano mo?
yun lang pala. gusto lang niyang malaman kung ano ang plano kong christmas decorations para sa bahay. sino pa ba ang aasahan niya? pasalamat siya may anak siyang bakla.
5 comments:
this made me laugh.
ikaw na ang taga-kabit ng parol at xmas lights.
pero teka, ako rin ata ang inaantay magdecide sa bahay kung anong theme meron tuwing malapit na ang pasko. LOL
anaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaak!!! haha napangiti mo naman ako dito. mabuting mayroon siyang maaasahan. :)
@ pepe wala pa nga akong nacconceptualize eh. hehehe.
@ citybuoy ganun talaga. bunso akong lalaki. hehe.
pareho tayo, even if hindi sabihin ni mama, i can say na ako ang favorite niya. ako lang kasi ang unica iha niya. hehehe
hahah napangiti moko sa entry mo nato... na miss ko tuloy and nanay ko(kahit na makatak pa siya) :)
Post a Comment