Sunday, December 4, 2011

samahan ng malamig ang pasko, NOT

friend: paci. may love life ka ba ngayon? di ka nagtitext ah.

paci: hala ako nga ang masipag magtext at mangamusta sa circle of friends natin. at may love life man ako o wala, di ako nakakalimot. oo nga pala, ang sagot ko sa tanong mo ay isang malaking OO MAY LOVE LIFE AKO NGAYON. hahaha.

friend: wow ang landi mo talaga! at long last! after two years may jowa ka na ulit! congratumulations!

paci: thanks thanks friend. yes to more happiness! hindi malamig ang pasko ko.

friend: oo nga! baka naman tulad yan nung ex mo ha. tama na pagiging martir mo. dapat kalevel mo siya ha.

paci: exact opposite ni ex. ako ang alaga. at hindi ko kalevel. mas mataas siya. hehe.

friend: ganun? paanong mas mataas?

paci: height pa lang talo na ako. tapos double degree siya. rich kid na humble. chinito na mestizo. mukha akong alalay pag magkasama kami.

friend: friend sa tagal ng paghihintay mo dapat lang na tulad niya ang maging jowa mo. i'm really happy for you. so kelan mo ipapakilala yan?

paci: after three months. di ba may three-month rule tayo. kasi naman yung isa nating friend every month iba ang ipinapakilala kaya nagkaroon tayo ng three-month rule. pero in all fairness nagbago na siya. ang dating player naging martir.

friend: hahaha. nang dahil sa pag-ibig ang naging theme song ni bakla.

paci: milagro di ba. nagbagong-buhay talaga siya. ikaw ba malamig ang pasko mo?

friend: ay hinde. hahaha.

paci: wow. tayo na talaga. we already really.

friend: pak much!