paci, naalala mo pa ba yung gabing yun?
mabibilang ko sa isang kamay kung ilang beses kong binubuksan ang aking peysbuk sa loob ng isang buwan. kadalasan hindi man ako tumatagal ng limang minuto na online. siguro talagang nawalan na ng karisma ang peysbuk sa akin. napabayaan ko na ang aking mga sakahan, mga alaga at mga restoran na mahigit isang taon nang hindi nabibisita.
oo naman. bakit mo naitanong?
hindi ko inaasahang online din siya ng oras na iyon. sa dami ng mga taong online nun, hindi ko kaagad napansin sa chat ang mukha at pangalan niya. ang akala ko noong una ay nagpapapansin lang siya. isang hi o hello o kumusta, sasagot ako ng okay. pagkatapos ako ang mangangamusta, sasagot din siya ng okay. tapos na ang usapan. pero hindi.
naalala ko lang. nalulungkot lang ako.
sa dami ng mga gabing pinagsamahan namin, alam ko ang tinutukoy niya.
apat na taon ang nakakaraan nang magkita-kita kaming magkakaibigan. isang milagro na bigla siyang sumama dahil may ugali siyang last minute magkakansela. gaya ng dati - kain, kuwento, inom, tawa. nang magyaya siyang sumayaw, binantayan ko siya. mabuting sa akin na lang siya makipagsayaw at kumapit kesa sa ibang lalaking nakilala lang niya doon sa bar.
huwag kang malungkot. masaya naman tayo noon ah.
sa dami ng tao, magkadikit na ang aming mga katawan. kitang-kita sa kanyang mga mata ang tuwa sa pagsasayaw. kinuha niya ang aking mga kamay at inilagay sa kanyang bewang. nang tumalikod siya, ikinulong ko siya sa aking pagkakayakap. wala akong pakialam kahit naging mapaglaro ang kanyang mga galaw. hindi ko pinansin ang mga taong nakatingin.
kasi ang daming nagbago pagkatapos nun.
natapos ang inuman at sayawan. ang alam ko ay susunduin siya. nakiusap siyang samahan ko muna habang naghihintay ng kanyang sundo. lumipas ang isang oras wala pa rin ang sasakyan ng kanyang asawa. naglakas-loob akong magtanong kung ano ang nangyari. noon ko nalamang mahigit anim na buwan na sila ng kanyang anak sa kanyang mga magulang. nakipaghiwalay siya pagkatapos mahuli ang asawa na may ibang babae.
siguro dahil matagal na rin tayong hindi nagkikita. pero di naman lahat nagbago.
nang tumawag ang isang office mate na lalaki na susundo daw sa kanya, kinuha ko ang kanyang cell phone at sinabihan ang kausap na hindi na kailangan ng magsusundo. natahimik siya at hindi na nagsalita. inuwi ko siya sa amin ng gabing iyon.
paci salamat sa lahat ah. naiiyak ako ngayon.
naalimpungatan ako nang mapansin kong may pumasok sa kuwarto. bumangon ako at nagpunta sa kusina. naghahanda na ng almusal si mama. kinumusta niya ang lakad namin. alam ko ang ibig niya talagang itanong. sumagot akong hindi kami nagkabalikan at aalis na siya papuntang disyerto sa isang linggo.
tama na ang drama. wala yun.
iyon ang huling araw na nagkasama kami. hanggang ngayon ay hindi pa siya umuuwi ng pilipinas. noong minsang umuwi ang isa naming kaibigan galing dubai, naikuwento nitong nagkikita daw sila pero natigil nang magkaroon siya ng boyfriend na sobrang mahigpit. hindi na ako nagtanong pa. mas mabuting wala na lang akong alam.
iba ka talaga sa kanilang lahat. miss kita. miss ko kayo.
sumagot pa ako at naghintay pero hindi na natuloy ang aming usapan. nagsign out na ako. sana okay lang siya. hindi ko alam pero naiisip ko na naman siya.
miss din kita tey. miss din kita ex-gf.

0 comments:
Post a Comment