bf, may sasabihin ako kaso baka magalit ka...
hindi ko alam kung bakit ganun ang naging bungad ko sa kanya. sa tingin ko wala namang problema kung sasabihin ko. bf ko naman siya. at wala talaga akong ibang masabihan. kung ikukuwento ko sa mga magulang ko, sigurado akong ipagtutulakan nila ako. kung ikukuwento ko sa mga kapatid ko, tatawanan lang nila ako. kung sa barkada ko naman, sasabihan nila na taksil ako sa federacion. kailangan lang na may mapagsabihan ako.
hulaan ko, may nagugustuhan ka.
natameme ako. hindi naman psychic si bf. paano kaya niya naisip yun? siguro sa tono ng boses ko na may konting pa-cute at paawa epek. baka naman nararamdaman niya? eh malayong mangyari yun kasi may pagkamanhid si bf. ako ang sensitive.
hmmm. hindi naman gusto na gusto. crush lang. alam mo yun. parang haiskul lang. *ngiti
ganito kasi yan. bihira akong magkacrush. isa lang ang naging crush ko nung elementary. isa lang din noong haiskul. ewan ko ba. may pagkaweird kasi ako. siguro nahahalata ng mga kakilala ko kung may crush ako. siguro iba aura ko. siguro mas blooming ako. pero mga teorya pa lang yan.
maganda ba siya?
okay. psychic na si bf. eto na nga. babae ang crush ko. at hindi ko alam kung bakit ako naaattract sa kanya. noong una ko siyang makita, sabi ko ang cute niya. ganoon lang. pero simula noong nagkakatinginan kami at ngumingiti siya sa akin, napapangiti rin ako. bihirang mangyari yun sa akin.
cute siya. simple pero cute. naaasar nga ako.
nakakaasar kasi hindi ko inaasahan. kasi kahit madaming guwapo sa paligid, hindi ko sila naging crush. kasi babae siya.
bakit hindi mo ligawan?
gago rin itong si bf. ano ako sira? ako manliligaw? nakalimutan ko na ngang manligaw. at hindi yun eh. ano ako tibo?
yabang mo. may nanliligaw sa kanya.
ang mas nakakaasar diyan, tinutukso ako ng dalawa kong office mate sa kanya. hindi naman bulgar pero talagang pinapansin nila ako pag napapatingin ako sa kanya. hanggang tingin na nga lang ako eh. sandali nga lang.
hindi pa naman sila edi puwede pa.
hindi ko alam kung pinagtitripan lang ako nitong si bf. akala ko magseselos. hindi pala. siguro kung lalake crush ko puwede pa. parang gusto niya talagang pormahan ko si crush.
yabang mo talaga. kaya ko nga sa iyo sinabi dahil kung kina mama ko sasabihin ganyan ang sasabihin nila. ikaw din pala.
nakapagtatampo naman oh. nasaan ang moral support?
eh anong gusto mong sabihin ko? wala naman akong magagawa na may natitira pang dugo ng lalake diyan sa katawan mo. tibo ka pala. tibo tibo tibo.
shet. ako tibo? no way highway!
di ako tibo. crush lang ito. lilipas din. tingnan mo bukas o next week wala na ito.
hindi ako tibo. hindi ako tibo. hindi ako tibo. yan ang mantra ko. sana gumana! good luck bukas! good luck next week!
0 comments:
Post a Comment