pag yumaman tayo, gagawin kitang intsik!
bakit naman? hehe.
para mas cute tayong dalawa.
kailangan ba talaga yun?
oo. gagawin natin yun pag wala na tayong magawa sa pera natin. mukha ka ng japanese sa mga mata mo kaya konting enhancement na lang.
wow. salamat doktora bello.
tapos simula ngayon magsisimula na ang chinese lessons mo. cantonese ang pagaaralan mo.
hindi ba mas madali ang mandarin?
mas madali nga pero cantonese ang alam ko eh. edi cantonese at mandarin. haha.
madaya. hehe. ano first lesson?
o ai lei.
ano yan? i love you?
magaling! sabay tayo.
o ai lei. seryoso ka talaga dun sa pag-enhance ng mga mata ko? eh kung mas pumangit pa ako?
siyempre hindi. edi idedemanda natin si doktora!
chinese lessons na nga lang muna. hehe. o ai lei.
o ai lei.
o ai lei. pagod na ako. next time na next lesson. hahaha!
next time mga bad words sa chinese para pagtitinginan ka pag nasa binondo tayo.
dapat pala kumuha ako extra units ng intsik 10 at intsik 11 nung college. o ai lei.
o ai lei. fast learner ka pala. haha.
depende sa subject. hehehe.
image from here.

3 comments:
I take huge time to search Trade Printing Related website. But I get good Games.
Cute. Light and charming kulitan.
all i know are the cuss words, too. ahahaha
Post a Comment