huwag ka na sad diyan. tara libot tayo. may gusto kang bilhin? paanyaya ni bf.
ayaw ko sanang maglibot dahil tinatamad akong gumalaw pero nahatak niya ako. mahilig kasing tumingin ng damit si bf. ako naman walang sipag sa window shopping. titingin lang ako pag bibili na talaga ako. simula noong maging kami, naappreciate ko na rin ang pagtingin ng mga damit.
huwag tayo dito. mahal dito. nagmumukha akong pulubi.
ang problema lang ay sa mamahaling shops tumitingin at bumibili ng damit si bf.
okay lang yan. pag may nagustuhan ka bilhin natin.
ayaw kong may magustuhan ako. ayaw kong gumapang para lang sa isang polo o pantalon na apat o limang beses ang presyo kumpara sa mga damit na meron ako. hindi ko alam pero hindi talaga ako partikular sa tatak ng mga damit.
ako naman ang bahala. promise CASH ang ipambabayad ko.
tinitigan ko siya ng matagal. gumanti na lang siya ng ngiti. binigyan niya talaga ng diin ang salitang cash. may kuwento kasi iyan.
ilang taon bago pa kami nagkakilala ni bf, nagkaroon siya ng problema sa kanyang credit card. napakadaling magswipe para sa kanya. masyado siyang nawili sa pagswipe nito kaya naging gabundok ang kanyang babayaran. may mga pagkakataon na isangdaan piso lang ang kanyang pera pero kung saan-saan siya nakakapunta at kung anu-ano ang nabibili niya.
kung napanood niyo yung confessions of a shopaholic na kinakausap na yung bida nung mannequin para bilhin yung scarf, ganun daw ang naranasan niya. parang kinakausap na siya ng mga damit. "bilhin mo ako" sabi sa kanya ng mga ito. ayun swipe at swipe pa.
pero kahit nagkabaon-baon siya sa utang hindi umabot sa punto na pinagtataguan na niya yung banko salamat sa mga magulang niya. may-kaya kasi ang pamilya ni bf.
wala akong gusto dito. sagot ko sa kanya.
sigurado ka? edi sa next shop na tayo.
natapos kami sa paglilibot nang walang nabibili. okay lang kasi hindi siya napagastos. ayaw ko rin naman na gumastos siya para sa akin. puwedeng hati kami o kaya salitan sa paggastos. ako ngayon tapos next time siya naman. sa kanya ang main course, akin ang dessert at kape.
tara kain tayo.
saan naman?
sa pareho nating gusto.
alam naming dalawa na marami kaming pagkakaiba pero isa ito sa pinagkasunduan namin.
Moldy Peaches - Anyone Else But You Mp3
Musicaddict.com

3 comments:
Eeeee. Food din ang isa sa mga common denominators namin ng bf ko. Hehe.
talagang sobrang daming horror stories about credit card debt.
ay naku! pareho kami ako ngayon na mo-mroblema sa credit card
nyway, mabuti yang hindi pinapagastos ang jowa para walang masabi ang mga kaibigan.
Post a Comment