scene 1:
kami ng mga kapatid ko sa kuwarto kasama ang dalawang pinsan. kasama ni isang pinsan ang kanyang gf.
sa hindi inaasahang pangyayari ay may naghasik ng malagim na hangin sa kuwarto. si pinsang may gf ang salarin. lahat kumaripas ng takbo papalabas ng kuwarto dahil hindi kinaya ang halimuyak. si gf ni pinsan hindi umalis ng kuwarto, mukhang naenjoy pa ang pabango.
sabi ng kapatid ko, that is laaab!
scene 2:
nasa sala kasama ang mga kapatid. kasama ni sister ang kanyang boyfriend. biglang dumating sa eksena si mama.
mama: nakita ko yung boyfriend nung anak ng kumare ko. huwag mong mailapit sa puno ng saging baka umakyat. hindi ko alam kung bakit yun ang pinili niya. maganda naman siya.
sister: oo nga. tingnan mo ako, ang puuugi ng pinili ko. HAHAHAHAHA!
lahat: HAHAHAHAHA!
sister: that is laaab!
scene 3:
paci and bf strolling sa mall.
bf: kaya mo bang hawakan kamay ko?
paci: oo naman. eh ikaw? baka makita tayo ng mga naging estudiyante mo. teritoryo mo itong mall na ito.
bf: wala namang tao oh.
paci: sige. akin na kamay mo..
hhww...hhww...hhww...
bf: okay lang namamawis kamay ko?
paci: okay lang. tingin ko namamawis din kamay ko. haha.
THAT IS LAAAB!
0 comments:
Post a Comment